Dear Future Boyfriend ‹Entry # 2›

     Hello! 😀 alam mo ba babe. Wow, babe. Hahaha 😂 tutal tinawag na kita nang “babe”, ‘yon nalang ang itatawag ko sayo lagi. Ang haba kase ng “future boyfriend” e’…So, ‘yon nga, alam mo ba na may nagshu-shooting ngayon sa katapat na bahay namin? Documentary yata, about daw kay Rizal. 

 

Tapos, dahil katapat na bahay nga lang namin, nagpunta dito yung isang crew (yata) tapos nagtanong kung pwede daw ba maisali sa vid nila. HAHAHA 😁 muntikan na ako ma-discover alam mo ba ‘yon! Pero dahil likas na mahiyain ang girlfriend mo, hindi ako pumayag. Baka mangatog lang ako sa harap ng camera nila 😑.

 

Okay end of story. Kumakain ako ng pipino ngayon, maganda daw kasi ‘yon sa kutis. 😄 Pero, may side effect ‘yun kapag nasobrahan. Gusto mo bang malaman kung ano?

 

BALDNESS. Yes. Makakalbo! Aba, ayoko nga! Nagpapahaba pa naman din ako ng buhok.

 

Hayy babe, ano kayang ginagawa mo ngayon? Siguro nakikipag-date ka ngayon sa present girlfriend mo 😣. Keri lang! Mag-enjoy ka ha? 😄

 

Basta kapag nagkakilala na tayo, at niligawan mo na ako. Tapos sinagot na kita, akin ka na 💑. Hoho.

 

 

 

Love,

 

 

M.🙊

Leave a Reply

SCROLL TO TOP