Dear Future Boyfriend ‹Entry # 3›

    Babe! 😸 nasabi ko na ba sayo na writer ako sa Wattpad? Well, yes! I am a writer in Wattpad 😳. Actually, 4 na nga ang stories na nagagawa ko, kaya lang lahat on-going parin.

 

Ikaw? Ano bang’ hobbies mo? Mahilig ka ba mag-basket ball? Gitara? Drummer? Painter? Singer? Dancer? O’ mahilig ka magluto o mag-bake? Kase ako, sa totoo lang, hindi ko alam ang talent ko. 😶 sabi nila, magaling daw akong mag-drawing, pero para sa’kin, katamtaman lang.

 

Hindi ‘rin ako mahilig sa sports kase, I’m a wimp. Hehemat-hemat ako sa P.E class namin eh’. Laking pasasalamat ko na nga lang at wala na kaming P.E ngayon. Hindi ‘rin ako marunong magluto. Shiz. Nakakahiya ano? Kababae kong tao, pero wala akong alam na gawaing kusina 😲 normal ba ‘yon!?

 

But…kapag nakatapos na ko ng pag-aaral, pagtutu-unan ko na ng pansin ang pagluluto na ‘yan, syempre para narin sa sarili ko at para sa‘yo 😘 di ‘ba sabi nga nila, “A way into a man’s heart is through his stomach”? E’ pano ko ‘yon magagawa kung pag-piprito pa nga lang hindi pa ako maalam!

 

Anyway, malapit na ang pasukan namin. 23 days nalang, at hindi pa ko ready! Ayoko kase sa course ko e’. Napilitan lang ako dahil iyon ang gusto ng parents ko para sa‘kin. I’m in 3rd year right now kaya nakakapanghinayang naman kung magshi-shift pa ako. Pero, alam mo ba, haha, nung first year ako, second sem nag shift ako. Pumayag ang parents ko kaso lang sila ulit ang namili ng course 😕 edi pinanindigan ko na. Atleast, hindi ganoon ka-hassle tulad ng present course ko.

 

Kaya lang, pinigilan ako nang Chairman ng department namin e’. Why don’t I give my course daw o sa school namin, “program” na ang tawag, a second chance—sabi niya. Edi, ako naman um-oo. 

 

So, pina-cancell ko na ‘yung shift form ko at nanatili na ko sa course ko ngayon. Do you want to know my course, babe?😉 Sa next entry ko nalang sasabihin sa‘yo 😜.

 

 

Kaya, hindi ako excited pumasok! Ayaw! Ayokooo! Hayyy. Ikaw ba? Anong course mo? 

 

 

 

Love,

 

 

 

M.🙊

 

Leave a Reply

SCROLL TO TOP