Dear Future Boyfriend ‹Entry # 1›

Alam mo bang na-inspire ako ng isang story sa wattpad na mag-gawa ng sarili kong public diary? And guess what! It’s free 😛 lol, okay hindi ‘yon ang dahilan, kase alam mo ba na halos lahat ng nagsusulat dito ay foreigner? English speaking kumbaga. Hahaha kaya walang makaka-intindi nitong diary ko, syemps ikaw lang 😘

 

Ipapabasa ko kase sayo ‘to kapag dumating ka na 😳 pero huy! Kapag naman nasa harapan na kita, magbigay ka naman ng sign, okay ba ‘yon? Kase hindi ako manghuhula. 😜 hayyy… 19 years old na ko pero NBSB parin, I’d be a hypocrite kapag sinabi kong hindi ako nai-inggit kapag nakaka-kita ako ng couples sa daan, sa mall, sa paligid-ligid. Kahit nga tambay may ka-couple eh!!! Sinong hindi mabi-bitter ‘don!?

 

At kahit kailan, wala pa akong nare-recieve na bulaklak kapag valentines 😭 samantalang ang mga bff’s ko ilang bulaklak na ba ang natanggap nila? Enough na para itanim sa bakuran nila at maging garden!

 

Ehem! Sorry sa pag-rant ha? Nafu-frustrate lang ako 😹 .

 

Puwede favor? Future boyfriend, please lang, utang na loob! Huwag na huwag kang darating kung kailan matanda na ko, nasa menopausal stage o kaya naman uugod-ugod na, ‘wag ganon, please?

 

Saka kapag busy ako sa exams, ‘wag ka ‘rin muna magpapakita ha? Baka sobra akong ma-fall sayo eh nasobrahan na’rin pala sa pag-fall ang mga grades ko ng ‘di ko namamalayan, hindi pa ko maka-graduate! Oh God No! Please!

 

By the way, para sayo talaga ‘to. Palagi akong mag-uupdate ng entries para mabasa mo.

 

P.S

 

Please lang din, kapag dumating ka na…sana isa kang matinong lalaki na hindi ako ipagpapalit sa iba kahit na hindi ako masyadong maganda at hindi ka-sexy-han. 🙏🙏🙏

 

Love,

 

 

M.🙊

Leave a Reply

SCROLL TO TOP