Dear Future Boyfriend ‹Entry # 4›

Huuuy! Babes! Kamusta? 🙋 Linggo ngayon ng hapon at alam mo bang napaka-dami kong ginawa? Hindi ‘man ako marunong magluto, syemps hindi ‘rin naman ako tamad 😊. Day off kase ngayon ng kasambahay namin at ako ang katulong ngayon sa bahay. Tinutulungan ko si Mama sa mga chores at nililinis ko ang kwarto ng Lola ko. Ipapakilala kita sa kanila kapag dumating ka na ah?😳

 

Sinabi ko sa last entry ko, na sasabihin ko sayo kung anong course ko di ‘ba? Well, I’m a computer science student. Pero wala akong kahilig-hilig sa coding, trust me babes! WALA. Talagang WALA! Palaging Loading ang utak ko kapag nagko-code na kami. Kase naman, ang hirap kayang pag-aralan ang isang bagay na hindi ka naman interesado. Tama? 😑 Ok fine! Kahit hindi ka sumang-ayon, ganon’ parin ang paniniwala ko.

 

 

Okay, change topic. Busy ka ba ngayon? Siguro oo. Ako, nagre-relax na, ang dami ko kayang nilinis at hinugasan sa lababo. TAMBAK. Parang Mt. Everest 😨. Hmmm. Mamayang gabi, may Sta. Cruzan na dito sa’min. Iimaginin ko nalang na kasama ako at ikaw naman ang escort ko. Di ’ba, ang bongga? 😂

 

 

P.S 

 

Ano bang magandang gawin para humaba agad ang hair? Nababagot na kase ako sa tagal. 😕 

 

 

 

Bye babe! 😄

 

 

 

 

Love,

 

 

 

M.🙊

Leave a Reply

SCROLL TO TOP