Dear Future Boyfriend ‹Entry # 5›

Hey 😀 wassup babes? Kumain ka na ba? ( alam ko nakakabingi na ang tanong na ganyan, paulit-ulit nalang ) sorry ‘kay? Tutal kahit tanungin naman kita ngayon, wala naman sasagot 😂😑… By the way, highway, hindi ako naka-panood ng Sta. Cruzan kanina, sakto kase na nakain na kami ng hapunan ‘non, e’ masama naman na pinag-aantay ang pagkain, di ‘ba? Kaya hindi kami nakapanood nila mama. Sayang! 

 

 

Ang iyong magandang girlfriend ay dito nga pala nakatira sa magandang lugar ng Laguna 😆. Ikaw ba? Saan ka nakatira? Hahaha.

 

 

Nga pala, dalawang buwan na akong walang load, wala ‘rin naman kase akong tinetext at wala namang nagtetext sa’kin na importante. Puro pa-kyot lang ang nagpaparamdam, isnabin ko nga 🙍. Kaya ayon, puro TM ang nagtetext, nakakaramdam na siguro, lagi akong sine-sendan ng : “Wala ka na bang load? Pwedeng mangutang nang 5 pesos!” okay hindi ganan ang pagkaka-text pero ganyan din naman ang gustong ipahiwatig! Pina-demure lang nila.

 

 

Ano ba ‘yan, pati TM naku-kwento ko pa sayo. Hahaha, sarreh! Sige, babooosh na! Mag-a-update pa ko ng story sa Wattpad. Bye babe! Until my next entry! 😘

 

 

Love,

 

 

 

M.🙊

Leave a Reply

SCROLL TO TOP