Dear Future Boyfriend ‹Entry # 8›

Hi. It’s been a while since my last update. Namo-mroblema kasi ako eh’. Naa-alala mo pa ba ‘yung kinwento ko sayo tungkol kay Mama? Well, hindi magaling ‘yung unang doctor na napuntahan niya. Sinabihan siya na wala naman daw problema. Buti nalang nagpa-check up ulit ang mama ko sa iba. Sa CMC na sila nagpunta ni Papa.

 

At may nakita sila. Magpapa-opera na nga si Mama sa Lunes. Hindi lang mahagilap ‘yung doctor! Ewan ko ba pero naiinis ako. Diyos ko, natatakot talaga ako para kay Mama 😖 hindi ko alam ang gagawin. Ilang araw na‘rin akong paranoid at palaging hindi maganda ang tulog.

 

Natatakot kami sa magiging resulta kapag na-operahan na si Mama. Ang daming pumapasok sa isip ko na hindi maganda.

 

 

Future Boyfriend, natatakot ako. Ako nalang sana. Mahal ko si Mama, sobra.

 

 

 

Love, 

 

 

 

M.😔

Leave a Reply

SCROLL TO TOP