FB_20150422_15_17_53_Saved_Picture

Huling Mensahe

Huling mensahe bago ako umalis.

Siguraduhin mong magmamahal ka di dahil miss mo padin yung isa at gusto mo lang makalimot. Yung nagmamahal ka lang pala para mapawi yung lungkot. Magmahal ka di dahil may biglang dumating na pwede na. Di dahil maganda o pogi siya o dahil napapangiti ka niya. Wag kang magmahal para lang sa tamis at kilig. Wag na wag kadin iibig nang dahil lang sa kanyang mga bibig. Siguraduhin na nagmamahal ka dahil siya ang gusto mo. Hindi lang yung pag nabored ka, siya ang libangan mo. Tandaan mo. Hindi biro ang umibig… kasi kaakibat din nito lahat ng sakit. Na minsan pa sa sobrang sakit bigla ka na lang mapapapikit.

Wag kang magmahal ng bago dahil lang di kayo okay nung isa mo. Sa totoo lang… itigil mo yan… mas nagiging kumplikado. At ito pa… ang tunay na pagmamahal ay di nagsisinungaling. Kung totoong mahal mo siya sasabihin mo kung saan ka talaga nanggaling. Kung sa huli hindi padin ganun ang tingin… wag ka na lang magmahal dahil siguradong walang totoong magtatagal.

At para naman sa akin, ito ang natutunan ko. Kung sa huli, ibang tao padin ang naiisip mo… baka tama lang na hindi maging tayo kasi baka hindi naman pala talaga dapat maging tayo. Kaya pasensiya na pero dahil sobrang mahal kita, napagtanto ko… na ako na lang. Ako nalang ang lalayo dahil tutal wala namang “tayo”.

Leave a Reply

SCROLL TO TOP