Panaginip

November 7,2015

10:23 PM

“Mahal na mahal kita. Wag mo akong iiwan ha?” Sabi ko habang niyayakap kita at tumingin ako sayo. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha. Natatakot ako. Natatakot akong magmahal at masaktan. Pero ito na, mahal na nga yata kita. Pinahid mo ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko. “Mahal na mahal din kita at hindi kita iiwan kahit anong mangyari” Niyakap kita. Niyakap mo ako. Ang saya-saya ko. Magkayakap tayo ng mahigpit… hanggang sa bigla akong nagising.

Matagal na akong naguguluhan. Kapatid ang tingin ko sayo at sigurado ako dun. Pero may napansin ako, nitong mga nakaraang buwan umiiba na. Parang nahahaluan ng iba ang nararamdaman ko para sayo. Nung una naisip kong baka hindi ko lang talaga alam ang pinagkaiba ng intimate love at brotherly love o kung anuman ang hinayupak na tawag don. Parang nasa gitna kasi ako ng dalawang yan. Malambing ako sayo at ang mga paglalambing kong yon ay walang malisya. Lambing na pang-kapatid talaga yun. Pag magkasama tayo, malinaw sakin na kapatid kita. Ang ayoko lang, pag mag-isa na ako. Dun ko naiisip na may gusto ako sayo. Pero magulo pa rin talaga. Tuwing nakikita kita wala akong nararamdamang bilis ng tibok ng puso tulad ng mga malalanding nasa teleserye. Wala lang, gusto lang kitang pansinin at kausapin. Nagtataka lang ako kasi parang nakakaramdam ako ng… selos. Pag may babaeng lumalapit sayo, pag may babae kang pinapansin, pag may babaeng pinapares sayo, pag may babaeng mas malapit sayo kesa sakin. Hindi ako selosa, pero bakit naiinis ako pag nakikita ko yung mga ganyang eksena? Nung una hindi ko tinatanggap na naa-attract ako o may gusto ako sayo, kasi nga alam kong kapatid ang tingin ko sayo. Pero nung magising ako kaninang umaga at naaalala yong panaginip ko, nagising nga ako. Pag naalala ko yun ang saya at ang gaan sa pakiramdam, lalo na nung magkayakap tayong dalawa. Ginising ako ng panaginip. Gusto na nga kita… yata.

Leave a Reply

SCROLL TO TOP