High standard

Iba ang aura na galing sa kanya. parang lagi xang blooming and stress free. maaliwalas yung freshness nya sa mukha at palaging naka smile. kaya naman palagi akong napapalingon sa kanya siguro every 10 minutes. 

Shes new in the office. mga 1 month siguro kaya nangangapa pa sa work load na meron kami. Little palang ang alam ko sa kanya, yung boyfriend nya palaging hatid sundo. tingin ko ok naman ang love life nya. This past few days, may times na nagkwekwentuhan kami. More on work and work.  Committed xa maxado and shes trying to learn everything.  passionate xa and marunong makibagay.

Kung sa akin, hindi kami bagay. malayong malayo. feeling ko ibang level ung standard nya. the way she talk, mga damit na mamahalin. makeup up to the details. simple lang kasi ako and hindi ko afford yung mga ganun. sorry.. I was just telling.

Safezone siguro namin ay pag nagkwekwentuhan kami. gumaganda kasi at nagtatawanan. palabiro rin kasi xa. pero more on pinapaniwalaan nya mga biro ko. to the point na sasabihin ko sa huli “hindi…. biro lang yun!”.

She reminded me talaga of someone. Ganun na ganun.

Leave a Comment:

SCROLL TO TOP