Nang dahil sa potassium

Yes.. that’s a right title..

Nang dahil sa potassium, pinagdabugan nia ko habang kumakain.. 

Nagluto kasi ako ng piniyahang manok. Para sana makakain din sya ng fruits or veggies.. puro meat nlng kasi kinakain nia. I have thia purest intention for the good of his health..

But then, nung kumakain na kami, sabi ko kumain sya ng pinya.. ayaw nia dahil sabi daw ng doctor wag muna kumain ng fruits at veggies dahil mataas potassium nia. Si sumimangot ako. And then.. boom.. nagdabog.. sabi nia ayan kumakain na ko ng pinya!!! Nasa pagkain nakasimangot ka!! Ang he eats as fast as he can.. i keep my cool.. dahil kung sasabayan ko sya, ako lng din talo dahil kahit maluha ako sa sama ng loob eh NEVER nia ko susuyuin.. kahit makita nia siguro na sobrang lungkot ko.. lalo na at ako sa tingin nia ang may kasalanan this time. So di nalang ako kumibo at pinagpatuloi ang pagkain ko at panonood ng tv..  well until now as we go to bed.. walang imikan… celfon lang ang hawak.. 

Di ako naiiyak.. pero napufrustrate ako kasi parang ang hirap mag isip ng pedeng ihandang pagkain sa kanya.. kanina gusto nia bumili ng cheese.. eh sinabi na ng doctor na wag na kumain nun at nagpapataas ng crea.. haaay Lord.. ano po ba ang dapat kong gawin.. 🙁

 

#frustrated

 

Leave a Reply

SCROLL TO TOP