Dear Future Boyfriend Entry # 13

Dear Future Boyfriend

 

Hello babe! Kamusta ka na pala? Ako, medyo okay lang ako. Alam mo ba ang saya ko nung birthday ko nung April!!! Hahaha. Nag swimming kami together with my family saka high school best friends ko. Ang saya talaga. Pero alam mo, bago ko mag birthday, something truly heart breaking happened. Yung lola ko, she passed away March 15, 2016 (Wednesday). 

 

Ang lungkot ko talaga ‘nun, to actually believe na hindi na siya naka abot sa birthday ko. Hay future boyfriend, alam ko na kung nasan ‘man ang lola ko ngayon, I know she’s happy.

 

Ikaw, kamusta ka naman pala? Hahaha. Ang weird ko diba? Tanong ako ng tanong di ka naman nasagot 🙁 Nga pala, 4th year college na ko babe 🙂 graduating na ang bebe mo. Hahahaha. SANA NGA MAKA GRADUATE AKO ON TIME. Hayyy, how I wish na nakilala na kita, para mabigyan mo rin ako ng motivation na “kaya mo ‘yan babe! Ikaw pa!”

 

At may gusto nga pala kong ikwento sayo. Isa na namang katangahan ano pa nga ba. Akala ko kasi nakilala na kita, hahaha so ayon. I met or rather may nakausap akong guy for 2 months. Gwapo siya, nagta-trabaho na, graduate ng IT at matangkad. Siya si Jason. So, ‘yun nga, sa chatting website lang kami nagkakilala hanggang sa nagkaka-chat na kami sa facebook, at nag-uusap at tawag sa phone. Akala ko talaga babe ikaw na siya! BOY WAS I WRONG. 

 

Manloloko. Gago. Impakto. Sinungaling. MAKAPAL ANG MUKA!

 

Babe…huhu 🙁 buong pag-aakala ko malapit na kitang makilala. So yeah. Ang status ko magpa sa hanggang nagyon ay walang kasawaaang “SINGLE” hahaha. Sa ngayon naman, kuntento ako – Oo. Kase, may mapagmahal akong magulang, mababait na alagang aso at pusa pati tapat na mga kaibigan. Sadyang IKAW nalang ang kulang. 

 

Someday darating ka ba? 20 years old na nga pala ako ngayon, ilang years pa ba ang kailanga ko antayin? Hmmm. Wag lang 5 years ha? kase 25 na ko ‘nun. Mawawalan na talaga ako ng pag-asa kapag ganon. HAHAHA. Balak ko nga pala mga 28-29 ako magpakasal. Kaya wag ka masyado magpa-late ha? 

 

See you soon? Please.

 

Love,

 

M.

Leave a Reply

SCROLL TO TOP