My First Written Spoken Word Poetry

PANAHON

Noong unang panahon

Mga panahon na wala pakong ibang iniisip kundi magsaya lang.

Na sobrang saya ko na pag nakatakas ako sa room tuwing monday dahil (cleaners) ako, pero alam kong kinabukasan pagbabayarin ako, masaya parin ako.

Mga panahon kung saan masaya nako pag hindi ako nalilista sa noisy. Ang daldal ko nga kase.

Na yung pag iisip lang kung anong ulam namin sa bahay, yung dahilan kung bakit naeexcite akong umuwi.

Mga panahong wala kapa sa buhay ko.

Ikaw na magpapabago ng ibig sabihin ng saya sa utak ko.

Oo, pinasaya mo ko. Mula loob hanggang labas.

Oo, pinatawa mo ko. HAHAHAHA Ang lakas.

Oo, ginawa kitang mundo ko. Kung saan lahat ng saya at tawa at tawa at saya inipon ko don. Sayo lahat umikot yon.

Oo ginawa kitang mundo ko. Kung saan ang saya ko.

Pero hindi mo naman sinabing ako nalang pala yung masaya dito.

Hindi mo naman sinabing ako nalang pala yung mag isang tumatawa dito.

Wala na pala yung mundong binuo ko.

 

Napunta ko sa panahon kung saan hindi ko na alam kung nasan ako.

Ang alam ko lang, nalulugmok ako, umiiyak ako, nasan na ba yung mundo ko?!

Hinahanap ko.

Hindi ko mahanap, nakalutang ako.

Hindi ko alam ano ba tong nararamdaman ko, sumisikip yung dibdib ko.

Hinahanap ko.

Hindi ko mahanap, nasasaktan ako.

hindi ko inasahang iiwan moko.

 

Ayoko sa ganitong panahon!

Panahon na wala kong makitang dahilan para ngumiti. Lahat na yata ng pagpapatawa, narinig ko na. Wala kong napili. Bakit ang lungkot ko na?!

 

Ngayon sobrang lungkot na.

Ngayon na pinipili ko nalang magwalis sa classroom para hindi ko na maalala. Malungkot parin ako.

Ngayon na hindi parin ako nalilista sa noisy, hindi nako madaldal. Malungkot parin ako.

Na sa tuwing makikita kita, hindi na saya yung nararamdaman ko! NASASAKTAN NAKO! Naiiyak ako! Tama! Tama iiyak ako! Sa kwarto kung saan ang makikita ko lang ako at ang luha ko.

Tama iiyak nanaman ako.

Na yan nalang. Yan nalang yung dahilan kung bakit excited akong umuwi, iiyak ako.

 

Bakit ka pa dumating sa buhay ko?

Hindi ko nalang sana naranasang maging masaya kung ang kapalit naman ay ito.

 

Ngayon gusto ko nalang bumalik.

Sana kase nakuntento nako dun.

At kung makabalik man ako.

Please.

Sana wala ka na dun.

 

-CGA

One thought on “My First Written Spoken Word Poetry”

Leave a Reply

SCROLL TO TOP