Paulit-ulit Na Lang

Sabado.

Sabi ko titigilan na kita.
Sabi ko wala na talagang pag-asa. 

Idiniin ko na sa isip ko na walang patutunguhan ito.
Itong nararamdaman ko, sinasabi kong dating hindi totoo. 
Pero ngayon, umaasang sana ay mapansin mo naman ako.
Yun nga lang, ramdam ko namang wala ako sa radar mo.

Aasa pa ba?
O may aasahan ba?

Sana hindi nalang kita nagustuhan
Para ako ngayo’y hindi na naguguluhan.

Kapag kausap kita akala ko close na tayo.
Yun pala sa susunod na araw, mukang “others” na ko sayo.

“Ay grabe, ayoko ng  ganito!”
“Magmove on ka na!” sabi ko sa sarili ko.

 

Pagdaaan ng isang linggo.

 

Tangina, iyan ka nanaman.
Hindi ko kinakaya twing ako’y iyong tinititigan. 

 

Ito, aasa nanaman ako.
Nakakagago.

 

 

 

 

 

Leave a Comment:

SCROLL TO TOP