Heograpiya

 

            Ang heograpiya ng mundo ay isa sa pinakamahalagang alamin. Pinapakito nito ang mga anyong tubig at anyong lupa. Itong paksa na ito ay masayang aralin para sa akin dahil madami kang pwedeng matutunan tungkol sa mundong tinitirhan mo. Pwede mo rin mapag-aralan ang mga bansa na gusto mo pumuntahan at ang mga dagat na iyong dadaanan.

             Ito ay mahalaga sa kasaysayan dahil malaki ang naitulong nito sa mga manlalayag at mga siyentista. Napag-aralan nila at maraming silang nadiskubre na bago tungkol sa mundong ating tinitirhan. Malaki ang naitulong nito sa mga unang kabihasnan dahil nalalaman nila ang tungkol sa tinitirhan nila. Nalalaman nila kung saan magandang gumawa ng kabihasnan. Naging problema it dahil ang mga bansa na gusting palakihin ang kanilang nasasakupan ay naglayag upang manakop, magpayaman, at palakasin ang kanilang mga bansa. Isang halimbawa ay ang age of exploration. Madaming mga bansa ang naglayag upang palakihin at palakasin ang kanilang nasasakupan.

            Kung nais man bigyan ako ng pagkakataon na baguhin ito, wala akong babaguhin kasi hindi naman mababgo ang mundo. Hindi naman malilipat ang mga anyong tubig at anyong lupa kung saan mo gusto.

            Ito’y mahalagang pag-aralan dahil malaki ang naitutulong nito sa lahat. Marami kang pwedeng matutunan tungkol sa ating mundo. Ang aking natutunan sap ag-aaral ng heograpiya ay dapat respetuhin at pangaalagan natin dapat angating mga anyong lupa at tubig. Kasi kung hindi, isang maaring maging problema sa mundo ay ang global warming kung saan nagpapalit ang klima sa iba’t ibang rehiyon. Dapat gamitin natin ang natutunan natin dati kagaya ng pangangalaga sa sariling tinitirhan. Dapat protektahan ang ating mundo at an gating heograpiya.

 

 

 

 

Leave a Comment:

SCROLL TO TOP