Panahon ng Paglalakbay

 

Maganda mapag-aralan ang Panahon ng Paglalakbay dahil dito nakikita natin kung ano ang tingin ng mga tao sa mundo at kung saan sila naglakbay. Makikita rin natin dito kung paano na diskubre ang iba’t ibang kontinente at mga bansa. Ito ay isa sa mahalagang panahon dahil dito nag simulang umunlad ang kalakalan at pag lakas ng mga bansa.

            Maganda ang naidulot ng panahon na ito dahil napatunayang bilog nga ang mundo at hindi ito flat. Malaki ang pagbabago na nangyari ng nalaman na bilog ang mundo, nawala ang mga takot ng tao na malalaglag sila sa mundo. Masama ang naidulot ng panahong ito dahil maraming sakit ang kumalat sa ibat’ ibang parte ng mundo. Maraming mga bansa din ang naglakbay upang manakop at palakasin ang kanilang bansa, kaya nagkaroon ng mga mahihirap na bansa dahil sa pang-aabuso ng ibang bansa.

            Hindi ko nais baguhin ang panahong ito dahil maganda ang naibigay nito sa kasaysayan. Maraming nadiskubre na bansa, halaman, hayop at marami pa. Nawala ang mga maling isip ng tao tungkol sa mundo. Nawala ang kaisipan na flat ang mundo at na may mga ‘sea monsters’ sa dagat. Maganda rin ang naidulot nito sa kalakalan, lumaki at lumakas ang ibang mga bansa dahil sa kalaklan.

            Mahalaga pag-aralan at ang malaman kung sino ang mga nag lakbay upang mag diskubre ng mga bagong bansa. Mahalaga malaman kung paano nag simula ang pag kokolonya ng ibang bansa. Dahil sa paglalakabay, maraming bansa ang naglakbay upang palakihin ang kaniling nasasakupan.

            Ang aral na ibinigay ng panahon na ito ay dapat huwag tayong matakot at maging mausisa kasi maaring may madiskubre tayong bago kapag tayo’y gumawa ng bagay na hindi natin alam. Dapat hindi matakot ang Pilipinas sa problema, dapat solusyonan nila ang problema at huwag silang matakot harapin ito.

 

Leave a Comment:

SCROLL TO TOP