Masayang Maglakad ng Magkasama

Medyo Busy ang day nya and rarely ko lang makakwentuhan. natutulala talaga ako pag nakikita ko syang ngumingiti. ang sarap sarap sa pakiramdam kahit na almost 2weeks na akong pagod at puyat dahil sa mga tinatapos na updates. nawawala ang lahat ng yun pag naririnig ko ang boses nya :). 

Gabi na. 2 nalang kaming natira sa office. nag kwento xa tungkol sa crush nya. hindi ko parin pinapakita ang nararamdaman ko. kahit ang sakit sakit na dahil nakikita ko sa kanya na gustong gusto nya ung “guy?” as usual. pinapayuhan ko xa ng mga positives and encourage her na pwede pa xa magmahal. pero habang parang pinagtutulakan ko xa dun sa “guy?” nadudurog talaga ang puso ko. 

Nag decide kami na umuwi na. ang saya saya ko kasi naglakad kami ng sabay mga 500 meters din. parang ayaw ko na nga xa sana pasakayin ng tricycle kasi malapit na mana ung house nila. pero sabi ko sakay na xa kasi baka isipin nya ay ihahatid ko. gusto ko tlga xa ihatid pero ayaw ko naman ipakita ang feelings. mas nakokontento na ako ng ganito one sided relationship.

Leave a Comment:

SCROLL TO TOP