Happy Birthday Lour :)

Birthday nya ngayon. super busy ang day pero kitang kita sa kanya ang grace under pressure. nakaka inspire tlga ung alam mo na papasok ka sa office na naandun xa. and napakagandang mag start ng morning pag binati ka nya ng “Hi”. 

Birthday nya and nag ask xa na magpasama sakin para bumili ng afternoon snack. syempre nag oo agad ako. kinulit ko pa ang kapatid ko na isauli sakin ung motor para may masakyan kami. punta kami ng shakeys at nag order. nagwentuhan ng matatamis at parang ayaw ko na matapos ang bawat sandali na yun. nag yaya xa na magikot ikot sa mall at pinuntahan namin ung dress shop. check nya isa isa at nag aask sakin if bagay., sabi ko hindi. pero ang totoo halos maglaway yung sales lady dahil lahat ng damit dun ay bagay na bagay sa kanya. para xang isang anghel sa langit. hindi ko pinapakita na nagagandahan ako at patuloy ko xang inaasar.

bumalik na kami sa office at nasurprise xa dahil may cake sa table nya. inorder ko yun and gift ko para sa kanya. napansin kong maluha luha xa sa saya and wala ng clue if kung kanino galing. kahit pa pinipilit nya akong sakin daw un di ko inaamin, pero may mga times na nadudulas ako.

masaya xa at masayang masaya din ako para sa kanya.

Leave a Comment:

SCROLL TO TOP