Dati rati

Para sa umaasa padin.

Asa talagang magttext pa un sayo. Ang drama mo kasi ayan sawang sawa na siya sayo. Bakit kasi di mo siya kayang antayin. Parang time lang naman kelangan niya. Ang totoong tanong bakit lagi nalang may reason kung bakit di niya kaya magcommit sayo. Un talaga un eh. Kaya sumuko ka na kasi kahit anong gawin mo wala na siyang mabibigay sayo. Ayaw niya kayo magkatuluyan laging may reasons. Hindi ka too late, hindi ka lang talaga para sa kaniya. Wag mo na siyang isipin please lang. Maawa ka naman sa sarili mo. Para kang nasa teleserye. Binigay mo na lahat ayaw parin niya hanap nalang tayo ng iba please. Maging masaya ka nalang 🙂 kung mahal ka nun matagal ka na niyang pinaglaban pero ang gusto niya is ung madali ung walang problema di katulad mo. So move on na tayo. Magiging masaya ka din. Wag mong hayaang isang lalaki ang magbigay sayo ng kaligayahan.

Dati masaya ka. Dati gusto ka niya. Ngayon iba na. Sarili nalang niya ang gusto niyang isipin. Kaya tama na… konting kembot nalang malalampasan mo rin yan. Wag ka ng umasang kakatok pa siya sa pinto mo. PLEASE LANG. Tama na. 

 

Mahal kita pero wala na tayo sa dati.

 

xoxo,

Galing sa babaeng nagaantay sa ulan na walang dalang payong.

Leave a Comment:

SCROLL TO TOP