HALIK

May natagpuan akong gubat…subalit hungkag….hindi sapat ang dami ng puno para ako ay makahinga…hindi sapat ang dami ng bungang kahoy para ako ay may matuka….malawak…napakalawak…hindi ko mawari kung kelan pa ito mapupunan ng laman pero ang sigurado ako malaya akong makalilipad masaya akong makakapagpalipat lipat sa mga kakahuyan… alam kong maalagaan ako ng gubat na ito.. ikakanlong nya ako sa kanyang malalaking puno..

Masaya ako sa kanya sigurado ako di tulad ng dati, malaya ako ngayun.. nkakapagdesisyon ng mag-isa..naririnig ang boses… pero sigurado ba ako??? hindi ko din alam…mapanlinlang ang halik…madali nitong dayain ang nararamdaman…mapusok…mainit…nakadadarang….hindi ko alam kung hudyat ba ito ng pagmamahal o init laman ng katawan… gusto ko ng matahimik…gusto ko ng maging masaya…..

 

pipiliin ko na bang manirahan sa gubat na aking natagpuan upang ditto magpugad???????

Leave a Comment:

SCROLL TO TOP