Dear Future Boyfriend ‹Entry # 9›

Hello babe! Gusto lang kitang iin-form na bukas na o-operahan ang Mama ko, wish ko lang na mahagilap nila ‘yung doktor sa CMC, palagi daw kasing wala 😑, sana maging okay lang ang mama ko. Sana talaga.

 

 

At gusto ko lang sanang mag-rant. Naiinis kasi ako, alam mo ba ang pakiramdam na maisali ka sa isang organization na labag naman sa loob mo? I was assigned to be the class representative, at hindi naman sa nag-iinarte ako, AYOKO lang talaga eh’. Kaso, wala na kong magagawa! I can’t back out kase nakalista na ang pangalan ko 😕. I don’t want to do it! Alam naman nila na hindi ako active at hindi ako pwedeng umarriba nalang basta-basta kapag may meetings! Marami akong ginagawa at hindi ako pwedeng gina-gabi ng uwi! 

 

 

NAIINIS AKO. 

 

 

 

Mas lalo tuloy akong tinatamad na magpasukan na, eh’ ngayon pa nga lang na bakasyon ay may meeting-meeting na agad. HINDI AKO A-ATTEND. A-Y-A-W-K-O!

 

 

Babe, I’m sorry, puro reklamo ang nababasa mo ngayon, stress na stress lang kase talaga ako. Nag-aalala ako kay Mama, tapos makikisabay pa ang pagsali nila sa’kin sa isang Org. Samantalang alam ko naman sa sarili ko na hindi ako qualified. Tahimik ako at mahiyain, at average lang ang utak ko! Hindi ako super talino, kaya dapat lang talaga na hindi nila ako sinali ‘dun! 😡 ARGH!

 

 

Sorry sa rant. 

 

 

Love,

 

 

 

M.😦

 

Leave a Reply

SCROLL TO TOP