9328370616ac45914404e54dd13e0141

Mr. Right 1

Mr. Right,

           Hi Mr. Right? kamusta ka ngayon? masaya ba ang araw mo? kumain ka na ba? wag mo kakalimutang mag-dasal ah? alagaan mo mga kapatid mo at kung wala kang kapatid, pagsilbihan mo mga magulang mo! mag-aaral ka ng mabuti ha? wag mong kakalimutan ang pagsisimba! …Ayan, ‘yan ang mga gusto kong sabihin sa’yo ngayon Mr. Right, kahit di pa kita nakikilala, alam kong isa ka sa nagbabasa nito. 🙂

           Ano kayang ginagawa mo ngayon? siguro, ka-text mo yung girlfriend mo ‘no tapos pinag-uusapan nyo na forever na kayo? hay nako! magbebreak din kayo kasi mapapasakin ka hihi 😛 O kaya naman, pinapagalitan ka ng mama o papa mo kasi puro ka gala, uhm ano pa ba? ay, baka naman iniisip mo din ako! ang Mrs. Right mo? yes naman oh! hahahhaha! hayaan mo magkakakilala din tayo, sa tamang panahon masyado kang excited para makilala ako eh :”) wew wala na kilig nako! charot hahaha! pero alam mo ah, excited na rin akong magkakilala tayo pero bago yun…marami pa tayong pagdadaanan pero chill lang! makakayanan natin yan. Uy Mr. Right! Let me remind you my Top 5 priorities in my life,

1. GOD

2. FAMILY

3. STUDIES

4. HELP HOMELESS PEOPLES 

5. YOU <3 <3 <3 (kiligin ka pls)

 

Ang apat na nauna ang kailangan kong asikasuhin at i-prioritize bago ikaw 🙂 Pero hayaan mo pag natapos ko na yan lahat, ikaw na pagtapos ni God. Yes naman! sweet ko ba Mr. Right? Hahaha! Alam mo bang ikaw ang magiging First boyfriend ko? ang papakasalan ko? at alam mo bang ikaw ang magiging ama ng mga anak ko? kung hindi mo pa alam, ito na sinasabi ko na. 🙂 Naiintindihan mo ba ako? alam mo ba ha? na…mahal kita! ayie corny ko na :”< ganun naman daw pag nagmamahal, nagiging corny hehehe!!!

Sige na, magluluto muna ako 🙂 bukas ulit kita kekwentuhan ng tungkol sakin para makilala mo ko! okay ba? hahaha! Apir!

 

                   ❤ Fria 🙂

Leave a Reply

SCROLL TO TOP